Friday, March 7, 2008

EO 464, korupsiyon sa gobyernong Arroyo, kinondena ng CBCP

HINILING ng CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) sa gobyerno na ibasura ang EO (Executive Order) 464 ni Pangulong Arroyo na nagbabawal sa mga opsiyal ng gobyerno na tumestigo sa Kongreso nang walang pahintulot ng Malakanyang.
Sa pahayag na binasa ni Obispo Angel Lagdameo, presidente ng CBCP, kinondena rin ng grupo ang anila’y laganap na kultura ng korupsiyon sa gobyerno, "mula sa pinakaitaas."
Sinabi ni Lagdameo na kailangang ibasura ang EO 464 para hayaan ang mga opisyal na isiwalat ang lahat ng nalalaman nila hinggil sa mga anomalya sa pamahalaan.
Bagamat hindi pa rin hayagang nanawagan ng pagbibitiw ni Arroyo ang CBCP, maituturing itong pinakamatapang na pahayag ng pagkondena sa kasalukuyang gobyerno.
Inilinaw ni Lagdameo na hindi pagtatawag ng "People Power" ang panawagang "communal action" ng CBCP.
"Ang panawagan natin ay prayerful community action patungong aksiyon," sabi ni Lagdameo.

PHERCER's eBLOG @ 2008

Email: