Thursday, May 17, 2007

7 sundalo patay sa ambus ng NPA

Baguio City - Napatay ang pitong sundalo matapos tambangan ng mga NPA (New People’s Army) noong Miyerkoles, Mayo 16 sa Brgy. Amtuagan, bayan ng Boliney sa Abra. Kabilang sa mga napatay ay si Lt. Mark Evan Onrubia, lider ng pito kataong tropa mula sa 41st Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng Manabo, ayon kay Army Lt. Senior Inspector Dennis Agno ng Regional Police Mobile Group na naka-istasyon sa bayan ng Luba. Itinalaga umano ang mga sundalo para bantayan ang mga election result paraphernalia, ayon sa pahayag ni Agno. Ipinahayag kamakailan ng Chadli Molintas Command ng NPA sa Cordillera at Ilocos Region na maglulunsad ang mga rebelde ng mga opensiba para biguin ang pagtatangka ng mga elemento ng militar na dayain ang resulta ng eleksiyon na pumapabor sa mga kandidato ng administrasyong Arroyo. Nauna rito, tatlong sundalo ang napatay noong Mayo 13 sa bayan ng Bontoc, Mountain Province matapos ding tambangan ng mga NPA.

No comments:

PHERCER's eBLOG @ 2008

Email: